Friday, August 17, 2012

Blogger Starter



Pag writer pala, nahihirapan din mag-isip ng title ng sinusulat. Isa pang mahirap, yung kung pano sisimulan yung mga topics or stories na umiikot sa isip nya. Yes, I'm a writer, but not a professional writer nor a paid writer. I'm a writer of my own story. Whenever I have lots of thoughts running inside my head, I wanna write it down. The paper and the pen became my first readers, and quiet listeners too. But in this case, it was Asus and me. So, the reason why I'm here now is that - I had a very good conversation with a very good and trusted friend. And there I realized that for a conversation to be good and helping, a person must realize the difference of what he/she feels before starting the long-talk, to what he/she feels after. Just what I did. Nung una kasi, ang bigat talaga ng pakiramdam ko. Siguro, dahil na din sa dami ng mga iniisip ko, mga worries, doubts, etc. But at the end of the conversation, I felt so relieved. Kahit pano, gumaan yung buhay ko. May naging direksyon yung mga plans ko na hindi ko magawa dahil lagi na lang akong 'what if ganito, what if ganyan'. There are times, masusubok talaga yung pagiging isang mabuting tao natin. Parang surprise quiz nung estudyante ako. Tinetest kung hanggang san yung alam mo, hanggang san yung kaya mo, or kahit yung simpleng, anong mga kaya mong gawin para lang pumasa sa isang exam na hindi mo man lang nabuklat kahit isang page ng notes mo dahil surprise nga. Kasali sa pagiging mabuting tao ang patience - sa lahat ng bagay, sa lahat ng klase ng tao. Tandaan mo, lahat pwedeng magbago. Ewan ko lang ba kung bakit, minsan, may mga tao talagang hindi man lang mag-effort magbago para sa mabuti, laging sa pasama. Kung ikaw, effort na effort baguhin yung mga mali sayo, sila naman, wa-epek. Pinagkatiwalaan mo sila, pero nagawa ka pa rin saksakin sa likod. Inaamin ko naman, may mga chances na nagiging evil ako, hindi lang dalawa kundi milyong sungay pa. Hindi ko idedeny yun. Dahil yun ang nararamdaman ko. Yun ang nasa isip ko. Sinasabi ko lang dahil alam kong nasa tama ako at sila ang nagkamali. Ang naging mali ko lang, mali pala ako ng pinagsabihan, ng pinagkatiwalaan. Pero sabi nga diba, 'don't do unto others what you don't want others to do unto you'. So kahit saksakin pa rin tayo sa likod, yakapin pa rin natin sila ng may pagmamahal. Yun ang choice nating gawin, kasi we prefer to change. Well, that's what they are. Pero malay natin, habang may buhay, may pag-asa naman diba. So, isang araw, baka magbago din sila para sa mabuti. Pero sabi nga ni mother at ni kuya, wag basta basta magtiwala. Kahit nga kapatid mo na, kadugo mo na, ginagago kapa din. What more pa kung di naman kayo related. Well in my case naman, super bilis ko magbigay ng trust. Kung tingin ko mabait ka, then go, buddy buddy na tayo. Lahat ng mga importante at nakakaimbyernang events sa buhay ko since birth, ikukwento ko na sayo. Pero once na sirain mo yun, wag mo asahang magiging gaya pa rin ng dati ang relasyon nating dalawa. Pero, in my case kasi, madali lang ako magpatawad. Nagkakamali din ako, dumadating din ako sa point na ako ang dapat humingi ng sorry. Pag alam kong may nagawa or nasabi akong di maganda, in any way, i'll ask and pursue for forgiveness. But I also reserve the fact and their right not to forget what I did wrong. Simpleng sorry, ok na yun. Di mo na kelangan mag-promise ng kung ano ano para lang mapatawad ka. Hindi naman ako madamot, kaya kong patawarin ka, kahit ilang milyong beses pa, pero gaya nga ng isang napakaganda at napakamahal na figurine, kapag nabasag, kahit lagyan mo ng mighty bond, considered sira pa din, at di na perfect, mababa na ang value. But then, dahil nga kelangan nating suklian ng kabutihan ang mga kagaguhan nila, forgive and forget pa din tayo. Hindi dahil panalo sila at talo tayo, kundi dahil, mahal natin sila, kaya dapat tanggapin natin kung ano sila, nega man yan o perfection. Sabi nga, ‘don’t look at them for what they are not, just look at them for what they are, and accept it-with all your heart. Still, be good to them, and love them, even if they don’t do the same thing upon you. Keep on believing that they still have the goodness on them. Remember the times that they had helped you, the times they made you happy and proud. And most importantly, learn. Walang away if we stay honest in everything we think, and feel. If galit tayo sa isang tao, let’s try saying it to him/her, face-to-face. Para naman both parties can express and tell what is wrong, para naman, magkaintindihan agad, at magkapatawaran. Hindi yung padadaanin pa natin sa iba, mas mapapahamak pala tayo. Let’s be honest everyone, basta walang pisikalan at harsh words.
Sa kabilang dako naman, kahit todo sa pag-eemote yung utak ko because of the negative vibes sa paligid nya, nagawa pa ring mag-emote ng puso ko. Kahit pagdating sa love, these two often fight, still, pareho silang emotera. So ano nga ulit sabi sa cover photo ko sa facebook? Heart vs Brain – it’s always a tough battle. Pero, let’s put it this way. The heart represents your undying love, while your brain represents you. So, it’s really a battle between yourself and your uncontrollable and overflowing feelings and emotions. Mahirap nga namang makaget-over sa heartbreak. Kahit ako, tanungin ako ng ‘bakit nga ba?’, hindi ko din kayang sagutin. Dapat kasi, isama na sa curriculum sa school ang love subject, yung tipong, ‘how to mend and heal a broken heart?’, or yung simpleng ‘what are the easiest way to move on?’. Well, siguro, lahat ng makaka-relate sa subject, uno ang marka sa classcard. Pero, bakit nga ba may mga swerte sa love, tapos ako naman, malas. Is there really such thing as lucky and unlucky when it comes to love? Or mapili lang talaga ako. Naku, sabi pa naman ng matatanda, ang taong pili ng pili, nauuwi sa bungi. I can’t even imagine if that happens to me. Baka, mas gustuhin ko pa maging single na lang forever. Pero, hindi naman ako required mahalin ang isang taong mahal ako, pero diko naman mahal at gusto diba, same as hindi ko din dapat i-require ang isang taong mahal at gusto ko to love and like me back. Siguro hindi lang talaga acceptable yung hindi equal yung binibigay at tinatangap. Kumbaga sa accounting, debit must always equal credit, and vice versa. Maybe, I can’t really make the choice, but God can. So, prayers are the keys. Just always pray, ika nga. Nakukuha naman yan sa santong dasalan. Sabi nga nung friend ko, ‘if we really love somebody, set him free. If he comes back to you, then you are meant to be.’ Sige na nga. Let go kung let go. Parang yahoo mail ko. Nahirapan ako i-let go sya nung na-hack sya (yes it was, unfortunately), but then I realized, my new e-mail now is quite more exciting than my previous one. So, if it really doesn’t work in love right now, maybe in the next chapter, it will be. Sabi nga ni Maya sa Be careful with my heart, sa bawat nagsasarang pintuan, may bubukas na bagong pinto. At kung magsara ulit yung bagong pinto, asahan mong may bintana naman, at kung sarado naman yung bintana, madali na lang butasin yung bintana. O diba, how inspiring and relieving ng mga words of wisdom nya.
Hehe, sige, next time ulit ;P